Isang inmate ang nagsiwalat ng kanyang mga nasaksihan ng pasukin at patayin sa kulungan si Albuera Mayor Rolando Espinosa. Ayon sa inmate, pumasok umano ang mga armadong lalaki sa selda at ng pamansin
Itinuturing ni dating police general at ngayon ay Antipolo Rep. Romeo Acop na summary killing ang pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa selda nito noong Sabado.
Kaugnay nito, sinabi ni Acop, chairman ng House committee on peace and order, na handa siyang maglunsad ng imbestigasyon hinggil sa insidente.
Pero ito ay kung may maghain lamang daw ng resolusyon hinggil dito ang mga miyembro ng kanyang pinamumunuang komite.
Gayunman, iginiit ng kongresista na maraming makikitang indikasyon na upang ituring ang naturang pangyayari bilang summary killing.
Kinuwestiyon nito ang paghahain ng search warrant kay Espinosa gayong nasa loob naman ito ng bilangguan.
Bukod dito, ipinagtataka rin ni Acop kung bakit madaling araw isinilbi ang search warrant.
Higit sa lahat, wala raw ang record ng cross examination ng hukom sa isang deponent na siyang batayan dapat sa pag-isyu ng search warrant.
Source: Bomboradyo
0 comments: