Monday, November 14, 2016

JUST IN: Pacquiao, Binanatan Ang Ombudsman: Bakit Hindi Niyo Imbestigahan Ang YOLANDA HOUSING SCAM?


“Minsan, ano rin natin…may mga bagay na dapat nating tutukan especially ang corruption, lalong lalo na yan. Kailangan maipaliwanag kung saan napunta yung funding ng Yolanda,”
Sa isang panayam kay Senator Manny Pacuiao, kinuwestyon at binanatan ng senador ang prayoridad ng mga Ombudsman. Magsasagawa kasi ang Ombudsman ng imbestigasyon tungkol sa panlilibre ni Sen. Pacquiao kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang laban sa Las Vegas. Ayon kay Pacquiao, may mga mas importanteng isyu na dapat imbestigahan ang Ombudsman. Isa na dito ay ang maling paggamit ng Yolanda Funds.


“Ang mga naghihirap nating kababayan na wala pang mga bahay, nangangailangan pa sila ng tulong eh nasaan yung pera? Yun ang kailangan nating imbestigahan …’Yun ang dapat nating unahin. Hindi yung gagawa ka ng butas dahil kalaban mo,” sabi ni Sen. Pacquiao. 

 Naging malaking isyu sa social media ang binabalak ng Ombudsman kay General Bato. Nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang mga taga-Ombudsman mula sa mga netizens dahil sa pinaplano nila laban kay Chief PNP. Ayon sa ilang netizens, appointee raw kasi ni ex-president Aquino si Ombudsman Carpio-Morales kaya ganito ang ina-asta.

Nauna ng dinpensahan ni Sen. pacquiao ang kanyang panlilibre kay Chief PNP.

“Sa’min mga Bisaya, wala kaming iniisip na masama or ano. Ang hangarin namin ay magserbisyo, linisin ang ating bansa at magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang mamamayan” sabi ng Senador.

Source: ignitepinoy.com

SHARE THIS

Author:

0 comments: