Wednesday, December 28, 2016

BREAKING: 4 Drug cases ni De Lima dedesisyunan na ng DOJ


Dedesisyunan na ng Department of Justice (DOJ) ang apat na kasong isinampa laban kay Senador Leila de Lima.

Tinukoy ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga kasong may kaugnayan sa koneksyon

ADVERTISEMENT

ni De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) na isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ng dalawang dating NBI Director, ni Jaybee Sebastian at ng NBI mismo.


ADVERTISEMENT

Ayon kay Aguirre, sakaling lumabas na may probable cause para kasuhan si De Lima ay agad nila itong isasampa sa Office of the Ombudsman para sa kaukulang review.

Nasa kamay na anya ng Ombudsman kung makakakita sila ng sapat na basehan para kasuhan si De Lima sa Sandiganbayan.

Samantala, isusunod agad ng DOJ panel ang kaso laban kay De Lima at Kerwin Espinosa.

Gayunman, posible anyang si De Lima lamang ang matira sa kaso dahil posibleng gawin nilang state witness si Espinosa.


SourceDWIZ

SHARE THIS

Author:

0 comments: