Nagkainitan sina Department of Environment and National Resources (DENR) Secretary Gina Lopez at ang ilang mga estudyanteng kumukwestiyon sa pagpapasara niya sa mga iilang minahan sa bansa.
Ayon sa 24 Oras, mga estudyante UP at Adamson ang bumungad sa mga opisyal ng DENR na gustong malaman kung pano raw nabuo ang audit report na pinagbasehan sa pagpapasara sa mahigit dalawampung minahan sa bansa.
Pinagbigyan naman ito ni Sec. Lopez sa kahilingang makausap siya, pero sa gitna ng pag-uusap nagka-initan ang mga ito, nasundan pa ito ng ipilit ng isang estudyante na agad-agad niyang makuha ang kopya ng audit report.
Tiniyak naman ng kalihim na hindi niya pababayaan ang mga maaaring mawalan ng trabaho kung sakaling tuluyang magsara ang mga minahan.
Watch the video below:
Feeling lang nasa tama, naging bastos na. Ganyan mga feeling holier than thou.
ReplyDelete