Sunday, February 19, 2017

Watch: Int'l Human Rights Watch, nanawagan na iatras ang kaso laban kay De lima


Nanawagan sa gobyerno ang international group na Human Rights Watch na iatras na ang kaso laban kay Senador Leila de Lima, matapos itong sampahan ng patong-patong na kasong kriminal ng Department of Justice dahil sa pagkakasangkot nito sa paglaganap ng ilegal na droga sa Bilibid.
ADVERTISEMENT


Ayon sa grupo, pinulitika umano ng administrasyong Duterte ang pagsasampa ng kaso sa senadora , lalo na't binabatikos nito ang giyera kontra droga, at tila ginagamit raw ng gobyerno ang mga Korte para parusahan ang mga kritiko sa madugong war on drugs.

ADVERTISEMENT

Samantala, siniguro naman ni Senate President Koko Pimentel III, kung sakaling aarestuhin si De lima ay gugulong pa rin ang senate electoral reform committee na pinangungunahan ng senadora.

Dagdag pa nito, nakatakda ng pulungin si De lima bukas sa posibleng pag-aresto sa kanya.

 

SHARE THIS

Author:

0 comments: