Pagharap ni Pres. Duterte sa media bago lumipad patungong Saudi Arabia, Bahrain at Qatar para sa state visit | via PTV4
HIGHLIGHTS:
Tiniyak ni Pres. Duterte na inaasikaso ng gobyerno ang sitwasyon sa Batangas matapos yanigin ng magkakasunod na mga lindol.
Ikinatuwa ni Pres. Duterte ang napipintong pagpupulong ni U.S. Pres. Donald Trump at Chinese Pres. Xi Jinping tungkol sa kalakalan
Nilinaw ni Pres. Duterte na pag-aangkin ng Pilipinas sa ilang isla sa West Phil. Sea ang utos niyang pagtatayo ng istruktura sa rehiyon. Hindi raw ito opensiba laban sa China.
Idinetalye muli ni Pres. Duterte ang dahilan ng pagsibak niya kay Usec. Maia Halmen Valdez kaugnay ng pag-angkat ng bigas ng NFA.
Pres. Duterte tungkol sa banta ng kidnapping ng terrorist groups sa Central Visayas: Kaya natin.
Walang dapat ipangamba sa seguridad sa bansa ayon kay Pres. Duterte, taliwas sa babala ng U.S. Embassy
Pres. Duterte: I want the wars between Filipinos ended. I cannot wage a war against my own kin.
Makikipagpulong si Pres. Duterte sa mga pinuno ng MNLF at MILF para bumuo ng isang Bangsamoro agreement.
Pres. Duterte tungkol sa OFWs na nasa death row sa Middle East: Pagdating ko dito, dala ko na 'yung iba.
Ikinuwento ni Pres. Duterte na unang lumapit si VP Robredo sa kanya para dumepensa tungkol sa umano'y destabilization plot. Matapos iyon saka inimbita ng Pangulo si Robredo sa isang dinner kasama ang kanilang pamilya.
SOURCE: News5
Loading...
0 comments: