Thursday, April 20, 2017

READ: Abu Sayyaf camp sa Basilan nakubkub ng militar; may halos 40 bunkers

ZAMBOANGA CITY – Nakuha ng militar ang isang kampo ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cabcaban, Sumisip sa lalawigan ng Basilan.

Iniulat ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. ang commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na nakubkob ng mga sundalo mula sa 68th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa 38 mga bunkers at tatlong mga guard posts sa loob ng kuta.

Sa may Barangay Abong Abong sa munisipyo naman ng Maluso, narekober din ng tropa ng 3rd Scout Ranger Battalion kasama ang Civilian Active Auxiliary (CAA) ang isang unit ng 7.62mm single shot rifle, shotgun, BDA uniform, assorted na mga bala at Icom radio.

Samantala, narekober din ng mga sundalo ng 15th Special Forces Company ang isang unit ng M16 rifle at ang M1 garand, mga magazine at bandolier na itinago sa loob ng isang sako na iniwan sa mangrove area ng Langas Island, Maluso.
ADVERTISEMENT


Una rito, nakita umano ng ilang residente sa lugar ang dalawang lalaki na may kargang sako kung saan isa sa kanila ang sugatan.

Paniwala ng militar na kabilang sila sa mga tauhan ni Basilan based Abu Sayyaf sub-leader Furuji Indama na nakipagbakbakan sa militar kamakailan lamang sa Barangay Cabcaban, Sumisip.

Patuloy pa rin silang tinutugis ngayon ng tropa ng pamahalaan at ang iba pang grupo ng Abu Sayyaf.
ADVERTISEMENT

“We will continue to gain grounds in the previous lairs and bailiwicks of the Abu Sayyaf. We will be more aggressively implementing both our lethal and non-lethal operations against them especially that we now have evidence that the bandits are also engage in the illegal drug trade,” payahag pa ni Gen. Galvez.


SOURCE: Bomboradyo

Loading...

SHARE THIS

Author:

1 comment: