AFP: We don't know yet who owns house where money was found.
WATCH THE VIDEO BELOW:
Ayon sa otoridad, ang bahay kung saan narekober ang higit P52M cash ay pag-aari ng mag-asawang Mariam Kouzbary Batara y Dimaocor at Rollie Dimatingkal Dimaocor, na nasawi noong 2011.
Bukod sa bahay, pag-aari rin ni Mariam Dimaocor ang kumpanyang GM ROL-MAR Construction & Development.
Isa rin sa mga anak nito ay engineer na kunektado sa kumpanyang contractor umano ng Dept. of Public Works and Highways. Sa parehong bahay din natuklasang nakapuwesto ang sniper ng Maute Group na nakapatay sa isang Scout Ranger ng Philippine Army.
Nadiskubre ang mga impormasyon sa pamamagitan ng birth at death certificates, NBI at barangay clearance, mga I.D., business letters at ilang resibo na natagpuan sa loob ng bahay. Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad kung kanino nakapangalan ang mga narekober na tseke.
SOURCE: CNN Philippines , News5
0 comments: