Thursday, August 10, 2017

MEGA SHABU LABORATORY | Testigong si Ernesto Tabor Jr., ibinunyag na ang mga matataas na taong pinagdadalhan nila ng iligal na droga

Ipinagpatuloy ng House Committee on Dangerous Drugs ang imbestigasyon kaugnay na mega shabu laboratory sa Virac, Catanduanes. Dito, pinangalanan ng testigong si Ernesto Tabor Jr. ang mga matataas na taong pinagdadalhan nila ng iligal na droga. Kabilang sa mga binanggit niya ay sina
ADVERTISEMENT

dating Mayor Constantino Cordial ng Caramoan, Camarines Sur, Alyan Tipong ng Catanduanes, Snooky Imperial ng Legaspi City, Don Pepe ng Tiaong Quezon at Jun Ranse sa Binondo sa Maynila.

Sa pagtatanong ng mga mambabatas sa testigo tungkol sa detalye ng mega shabu laboratory, sinabi ni Tabor na naitayo ang unang bahagi ng shabu laboratory noong 2015. Mula raw June to December 2015 ay nakakapagproduce sila ng 335 kilos ng shabu. Ang unang produksiyon daw nila ay naideliver sa NBP. Gamit daw ni Tabor ang isang speedboat sa pagdedeliver ng shabu.
ADVERTISEMENT

Dalawa lang daw silang nagdedeliver ng shabu. Minsan ay naka sasakyan daw sila, minsan naman ay ang speedboat ni Mayor Cordial ang gamit nila.

Dagdag pa ni Tabor, dati rin daw siyang asset ng pulis at NBI kaya nalalaman daw niya ang galaw ng mga pulis at intel unit.

SOURCE: News5

SHARE THIS

Author:

0 comments: