Sunday, September 17, 2017

BREAKING | TERMINO NI PRES. DUTERTE HANGGANG 2025

Maaari umanong mapalawig hanggang 2025 ang termino ni Pangulong Duterte sa oras na maisapinal at mapagtibay ang federal form of government sa Pilipinas.

Sinabi ni Lito Lorenzana, pangulo ng Centrist Democracy Political Institute (CDPI), sa media briefing sa Malacañang na batay sa kanilang planong timeline, pangungunahan ng Constitutional Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (Con-con) ang pag-amyenda sa Saligang Batas at maaaring mapagtibay sa February 2019 plebiscite.
ADVERTISEMENT

Ayon kay Lorenzana, pagdating ng May 2022 maisasagawa na ang kauna-unahang parliamentary elections sa ilalim ng bagong Federal Constitution para bubuo ng unicameral parliament na may terminong limang taon o hanggang 2025.


Kaya sa bagong porma ng gobyerno, maaari umanong ipagpapatuloy ni Pangulong Duterte hanggang 2025 ang kanyang dual presidential role bilang head of state at head of government na siyang mangunguna sa unicameral parliament.
ADVERTISEMENT
Pero dahil sinasabi raw ng Pangulo na bababa siya sa puwesto pagdating 2022, hahalal ang parliamento ng bagong pangulo para ipagpapatuloy ang natitirang termino ni Duterte sa ilalim ng federal government.

Pagdating ng 2025, magkakaroon ng second regular parliamentary elections na may limang termino hanggang 2030 at dito magkakaroon na ng bagong Prime Minister at bagong Pangulo ang bansa.

Inihayag ni Lorenzana na kanilang isusumite ang kanilang panukalang amyenda sa 1987 Constitution sa bubuuing 25-man commission ni Pangulong Duterte sa susunod na mga araw.

Loading...

SHARE THIS

Author:

0 comments: