Friday, September 15, 2017

READ | ‘MAHIYA KA’ | Alvarez to Gascon: Hindi mo na ginagawa ‘yung trabaho mo, humihingi ka pa ng sweldo sa gobyerno

Ipinaliwanag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara ang P1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay Speaker Alvarez, gusto lang naman daw nilang gawin ng CHR ang mandato nila base sa Saligang Batas.  Bilang mga tagapaglaan ng budget sa bawat taon, tinitingnan lang daw ng Kamara kung ginagawa ng ahensya ang kanilang tungkulin.

“Hindi po tama na dahil constitutional body ka, yung CHR, ay pikit-mata na lang namin na basta bigyan namin sila ng budget.  Eh kung hindi nila ginagawa ‘yung tungkulin nila, bakit namin sila bibigyan ng budget?” sabi ni Alvarez.
ADVERTISEMENT

Malinaw daw na nakalagay sa Konstitusyon na kailangang pangalagaan at protektahan ng CHR ang karapatang pantao ng lahat ng mamamayan.  “Hindi lang po kung ano ‘yung gusto nilang protektahan. Hindi po pwedeng selective dyan,” sabi ni Alvarez.

Pawang mga human rights cases laban sa mga pulis at war on drugs lang daw ng administrasyon ang tinututukan ng CHR. “Yung Mamasapano, pagnag-kidnap ang mga NPA, ‘yung Abu Sayyaf, pinupugatan ng ulo ‘yung mga tao,  kinikidnap ‘yung mga turista… you do not see the CHR na mag-investigate.  Kailangan mag-reorient naman sila,” sabi ni Majority Leader Rudy Fariñas.

Sinabihan din ni Alvarez na makapal ang mukha ni CHR Chair Chito Gascon matapos magpahayag na hindi siya aalis sa puwesto sa kabila ng mga panwagang magresign siya sa ahensya.

Paglilinaw ni Alvarez, wala naman daw personalan ang pagbibigay nila ng kakarampot na budget sa ahensya.
ADVERTISEMENT

“’Yung pagbabalik ng budget sa CHR, magde-depende yan doon sa ibibigay nilang programa. Ano ba ang programa niyo para magampanan niyo ang tungkulin niyo base sa mandato niyo sa saligang batas?” sabi ni Alvarez.

Kung makita raw na maganda ang programa ng CHR kahit pa hindi mag-resign si Gascon ay maaaring ipanumbalik ang hiling na budget ng ahensya basta ma-justify ang paggagamitan ng pera.

SOURCE: News5
Loading...

SHARE THIS

Author:

0 comments: