Friday, October 20, 2017

WATCH | DONASYON NG RUSSIA | 20 army trucks, 5,000 rifles at mga bala, dumating na

Dumaong ang tatlong Russian warships kanina sa bansa kabilang ang dalawang anti-submarine vessels para magbaba ng mga baril at sasakyang pandigma.

ADVERTISEMENT
(Courtesy: REUTERS/Dondi Tawatao)

Donasyon umano ito ng Russia sa Pilipinas bilang bahagi ng bagong defense relationship ng dalawang bansa.
Nasa 5,000 assault rifles, isang milyong mga bala at 20 army trucks ang laman ng mga kargamento.
“We would do our best to make this port call a significant contribution indicating friendly ties and relations between two nations in the interest of security and stability in this region,” sabi ni Eduard Mikhailov, ang deputy commander ng Russia Pacific Fleet Flotilla.
ADVERTISEMENT
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng 5,000 Kalashnikov rifles ang Russia bilang tulong sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.
Ito na ang ikatlong pagbisita ng mga Russian warships sa bansa kasunod ng mga hakbang ng pangulo sa pakikipagkaibigan sa kanila.
Sa susunod na linggo ay darating sa bansa ang defense minister ng Russia na si Sergei Shoigu at ng U.S. na si Jim Mattis para sa isang regional defense meeting.
Inaasahan ding lalagda ang Pilipinas at Russia sa isang security deal tungkol sa military logistics sa susunod na linggo.

SOURCE: News5
Loading...

SHARE THIS

Author:

0 comments: