Tatanggap ngayon ng isang sakong bigas kada buwan ang mga pinakamahihirap na Pilipino sa ating bansa. Ito ang huling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang sa State Of the Nation Address.
Inatasan ng Pangulo si DSWD Secretary Judy Taguiwalo na isama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ang libreng isang sako ng bigas para sa mga mahihirap na Pilipino upang mabawasan ang mga nagugutom at mapahusay ang buhay ng mga ito.
Source: kapinoy.com
0 comments: