Iniutos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong promote na heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tulungan siyang resolbahin ang problema sa illegal drugs sa pamamagitan ng pag-aresto sa mga pulis na sangkot sa ganitong katiwalian.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga bagong promote na heneral, pinabuwag na niya ang anti-illegal drug units ng PNP kasabay ang pagbabawal sa kanila na magsagawa ng anti-illegal drug operations.
“No policemen in this country anywhere is allowed to enforce laws related to the drug campaign. Culture of corruption is rampant in the PNP. There are about 6,000 policemen involved in drugs,” wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa mga bagong heneral.
Aniya, kailangan talaga niya ang tulong ng AFP upang kastiguhin at arestuhin ang mga abusadong pulis lalo na ang mga sangkot sa illegal drugs.
“May all of you remain faithful to the flag of the Philippines. Guard your nation and your people. You owe it to country and people,” wika pa ng Pangulo.
0 comments: